Ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbisita sa Amerika sa kabila ng ilang beses nitong pagbatikos sa naturang bansa.
Ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez, Philippine envoy to Washington, tatlong beses nang inimbitahan ni US President Donald Trump si Pangulong Duterte at nagpadala pa ito ng pormal na imbitasyon limang buwan na ang nakalipas.
Sinabi ni Romualdez na ikikokonsidera naman ito ng pangulo.
Wala pang itinakdang panahon kung kailangan magaganap ang pagtapak ng pangulo sa Amerika ngunit nais ni Romualdez na magtagpo ang dalawang lider sa Washington, DC.
Matatandaang mariin ang naging pagtanggi ng pangulo sa pagbisita sa Amerika noong panahon ni dating US president Barrack Obama na matinding kritiko ng kanyang madugong drug war ngunit kinalaunan ay bahagyang lumambot ang pangulo nang mahalal si Trump.