Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na muli nyang bubuksan ang Manila Zoo.
Dinalaw ni Moreno ang Manila Zoo upang tignan kung ano ang dapat gawin para muli itong mabuksan.
Matatandaan na ipinasara ni dating Mayor Joseph Estrada ang Manila Zoo noong Enero matapos matuklasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagtatapon ito ng maruming tubig sa Manila Bay.
Sinabihan ng DENR ang Manila City government na dapat magkaroon ng sariling sewerage treatment facility ang Manila Zoo subalit tila hindi pa ito na aksyunan hanggang sa ngayon.
Nuong 2018, umabot sa mahigit P100-M ang kinita ng Manila Zoo kaya’t ito rin ang nawawalang kita sa panahong sarado ito.