Walang Pilipino ang nasaktan sa pagtama ng magnitude 6.4 na lindol sa Los Angeles, California.
Ito ang tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA), batay na rin sa natanggap nilang ulat mula kay Consul General Adelio Angelito Cruz.
Ayon kay Cruz, wala silang natatanggap na ulat kaugnay ng mga Pilipinong naapektuhan ng malakas na lindol sa California.
Anya, aabot sa 800,000 mga Pilipino ang naninirahan sa Los Angeles.
Kaugnay nito, hinikayat naman ni Cruz ang mga Pilipino sa Los Angeles na i-download ang earthquake warning app ng lungsod na ‘Shakealertla’ para manatiling alerto sa sitwasyon.