Kasalukuyan nang tinutugis ng mga otoridad ang bading na security guard na nasa likod ng pamamaril sa grade 7 student na si Mark Anthony Miranda sa loob mismo ng paaralan sa Calamba City, Laguna kahapon.
Kinilala ni P/Col. Jacinto Malinao, hepe ng Calamba City PNP ang suspek na si Renan Estrope Valderama alyas ‘Renz Ivan Balderama’, isang security guard at sinasabing nahuhumaling sa kapwa lalaki.
Sa panayam ng DWIZ kay Malinao, sinabi nito na inalok ng suspek ang 15 anyos na biktima na kukupkupin niya ito matapos makulong ang kaniyang ina dahil sa iligal na droga.
Itong suspek natin na si Balderama, isang security guard, ay nireklamo ng biktima nitong July lang, provincial prosecutor’s office, for 4 counts ng sexual abuse. Naabuso niya itong biktima natin. At base doon sa, binasa natin ‘yung mga statement niya, as early as March he was abuse by the suspect, Balderama, and doon nga, pinakiusapan siya na huwag nang magsumbong in exchange doon sa support niya sa bata, sa pag-aaral niya and anything,” ani Malinao.
Giit pa ni Malinao, na dahil sa isang public school ang Castor Alviar National Highschool sa Brgy. Masili, hindi ganoon kahigpit ang ipinatutupad na seguridad kaya’t nakalusot si Valderama na noo’y nakasuot ng backpack kung saan naroon ang baril na ginamit nito sa krimen.
Batay sa imbestigasyon, 12:30 ng tanghali nang biglang binaril ng dalawang beses ni Valderama ang biktima sa loob ng kaniyang silid-aralan kung saan, nagawa pang isugod iyon sa ospital subalit binawian din ng buhay kalaunan.
Acually makikita natin sa footage na nakuha natin sa eskwelahan, itong mamang ito ay may dalang backpack at ito ay public national high school, hindi rin po ganoon kahigpit ang kanyang security measures unlike sa isang private school. So, ‘yun ang gagawin natin, no, para maimprove natin, mapagsuggest sa local government saka sa DepEd ng Calamba para natin maiwasan ang ganitong incident,” ani Malinao.
Ratsada Balita Interview