Isinusulong ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pagpapaluwag sa sistema ng pag-aampon sa Pilipinas Jaymark sa ilalim ng House Bill 76 na inihain ni Northern Samar Rep. Raul Daza, nais nitong gawing Administrative na lang ang proceedings para sa Adoption Cases
Dito, bibigyang kapangyarihan ang DSWD o Department Of Social Welfare and Development na maglabas ng Adoption Papers nang hindi na kailangang dumaan pa sa korte
Sa ganitong paraan ayon kay Daza, makatitipid pa ang mga magulang na mag-aampon upang maging malaki ang tsansa na magkaroon sila ng anak na inabandona ng tunay nitong mga magulang
Batay kasi sa kasalukuyang sistema, pahirapan at napaka-gastos ng proseso ng pag-aampon, idagdag na rin ang napaka-haba o matagal na pagdaraanan nito