Nababahala ang Malakaniyang sa ulat ng University of the Philippines Marine Science Institute na aabot sa may 33 bilyong pisong halaga ng Reef Ecosystem ang nasisira sa panatag Shoal at Spratly Island sa kada taon
Ito’y kasunod na rin ng mga ginawang Reclamation ng China sa mga artipisyal na islang itinayo nito gayundin ang iligal na pamamaharaan nito ng pangingisda sa pinag-aagawang teritoryo sa karagatan
Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, tatapatan aniya nila ng sariling pag-aaral ang naging ulat ng UP Marine Science Institute upang alamin kung totoo nga ito o hindi
Sakaling mapatunayan, sinabi ni Panelo na gagawa sila ng kaukulang hakbang lalo’t seguridad at kapakanan ng bawat isang pilipino ang nakasalalay dito
Maliban diyan, beberipikahin din ng pamahalaan ang ulat ng grupong karagatan patrol na mas maraming mga dayuhang barko ang lumalapit sa dalampasigan ng mga lalawigan sa pilipinas na bahagi ng West Philippine Sea