Patuloy na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao at ilang bahagi ng Visayas ang binabantayang low pressure area (LPA) malapit sa Zamboanga.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 260-kilometro hilaga-hilagang kanluran ng Zamboanga City.
Bagama’t mababa ang tiyansa na maging ganap itong bagyo, magdadala pa rin ito ng maulap na kalangitan na may kalat kalat na pag-ulan sa Palawan, Iloilo, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Caraga Region at Hilagang Mindanao.
Samantala, asahan naman ang maalinsangang panahon maliban na lamang sa mga localized thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa mahinang habagat.