Ikinatuwa naman ng grupong Bayan o Bagong Alyansang Makabayan ang hirit ng bansang Iceland sa United Nations Human Rights Council na imbestigahan ang mga umano’y kaso ng EJK o Extra-Judicial Killings sa bansa
Ayon kay Bayan Sec/Gen. Renato Reyes, nagpapasalamat sila sa 27 pang bansa na nagpahayag ng suporta sa Iceland para isulong ang imbestigasyon
Ito’y patunay lamang aniya ng pagkilala ng International Community sa mga walang habas na pagpatay sa ilalim ng anila’y huwad na War on Drugs ng Administrasyong Duterte
Lubhang napapanahon na aniya ang resolusyon at umaasa sila na maipapasa sa plenaryo ng UN Human Rights Council ang resolusyon sa susunod na linggo
Sa ilalim ng International Treaties na nilagdaan ng Pilipinas, mayruon itong pananagutan na itaguyod ang karapatang pantao sa lahat ng panahon at ito’y maaaring siyasatin ng International Community sakaling mabigo ang bansa na lutasin ito sa kaniyang sariling pamamaraan