Patuloy na naman ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam sa lalawigan ng bulacan matapos ang mga naranasang pag-ulan nitong nakalipas na mga araw
Batay sa pinakahuling datos mula sa PAGASA Hydromet Division kaninang 6 ng umaga, pumalo sa 161.45 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam
Mas mababa ito ng .24 meters na tubig kumpara sa 161.69 meters na naitalang lebel ng tubig ng pagasa kahapon ng umaga, Hulyo 5
Maliban sa Angat, nabawasan din ang lebel ng tubig sa Dam ng Ipo, San Roque, Pantabangan At Caliraya habang bahagya namang nadagdagan ang tubig sa La Mesa at Magat Dam