Inanunsyo ni Department of Transportation o DOTR Undersecretary for Railways Timothy John Batan na sisimulan na sa ikatlong kwarter ng 2021 ang rehabilitsayon ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT 3.
Pahayag ni Batan, pangangasiwaan ng Sumitomo-MHI-TESP ang MRT 3 rehabilitation.
Kabilang sa mga isasailalim sa rehabilitasyon ang 72 Light Rail Vehicles o LRVs, mainline tracks, power and overhead catenary systems, signaling system, communications at CCTV systems, escalators at elevators kasama na ang iba pang mga dapat na ayusin.
Ayon kay Batan, taong 2016 pa nang simulan ng Duterte administration ang pagpa-plano kung paano maibabalik sa ayos ang operasyon ng mga major rail line ng Pilipinas.
Target aniyang tapusin ang nasabing proyekto sa loob ng 43 buwan subalit dapat aniyang matapos sa unang 26-months ang rehabilitasyon ng MRT 3.
Bunsod nito, nakiusap naman si Batan sa mga komyuters na maging mahinahon at habaan ang pasensya habang nagpapatuloy ang MRT 3 rehab project.