Tumaas ang bilang ng mga pulis na inirereklamong may kabit at kahihiwalay lang sa asawa dahil sa economic abuse o hindi pagbibigay ng pinansyal na suporta.
Ayon kay P/GGen. Gerry Galvan, pinuno ng PNP IAS o Internal Affairs Service, kapansin-pansin aniya ang mga misis na humihingi ng suportang pinansyal sa mga pulis mula nang dumoble ang kanilang suweldo.
Ipinadadala aniya ang reklamo sa women and children protection center o WCPC para bigyan ng kaukulang aksyon kung saan, nakapagtala ito ng mahigit 300 reklamo noong isang taon.