Ipinasara ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang anim na establisyemento na nag-ooperate nang walang kaukulang permit.
Ayon kay Magalong, walang permit to operate ang apat na restaurants, isang vape shop at isang sari-sari store.
Pinayuhan ang mga may-ari ng negosyo na kumuha muna ng kaukulang dokumento bago muling buksan ang kanilang negosyo.
Bagama’t pumalag ang mga negosyante ay wala anila silang magagawa kundi sumunod sa batas.