Natupad na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pangako ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) na magkaroon ng bagong major player sa telecommunications industry sa bansa.
Kasunod na rin ito ng pormal na pagkakaloob ng Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) issuance ceremony sa third telco na Mislatel consortium.
Ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, maliban sa third telco initiative ng Duterte administration, malaking bagay din sa mga Pilipino ang pagpapatupad ng mandatory unlocking of phones, mobile number, portability act, common tower policy, pag-alis sa text and call interconnection charges at pagpapatupad ng national broadband plan.
Sa pormal na pagkakaloob ng license to operate sa Mislatel, sinabi ni Cordoba na naganap na ang SONA promise ng pangulo na bigyan ng mas mahusay na serbisyo sa telecommunications ang publiko.