Pinakilos na ni PNP Chief Oscar Albayalde ang PNP Internal Affairs Service (IAS) para i-take over ang imbestigasyon sa madugong buy bust na naganap sa Rodriguez, Rizal na ikinasawi ng apat katao kabilang ang isang 3-taong gulang na bata.
Magugunitang nasawi sa buy bust ang dalawang drug suspects, isang pulis at ang batang si Kateleen Myca Ulpina na anak ng isa sa mga suspek.
Bago ilipat sa IAS, ang regional investigation and detective management division ng Calabarzon Police ang humahawak sa imbestigasyon sa nasabing insidente na naging dahilan nang pagsibak sa 20 pulis kabilang ang hepe ng Rodriguez Police.
Samantala, naihatid na sa huling hantungan si Ulpina sa Forest Lawn Memorial Park sa gitna na rin ng patuloy na panawagan ng pamilya nito na mabigyan ng hustisya ang sinapit ng bata.
Iginigiit ng ina ni Ulpina na hindi collateral damage ang kaniyang anak.
with report from Jaymark Dagala (Patrol 9)