Isinusulong ngayon sa senado ang panukalang pagtatag ng Department of Migration and Development.
Layon ng Senate Bill No. 141 na buuin ang ahensya upang matutukan ang mga polisiya at programa para sa mga Pinoy na nasa ibang bansa at maging sa kanilang mga pamilya.
Nakasaad din sa panukala ang pagkakaroon ng isang one-stop migrant assistance center sa buong bansa.
Ayon kay Sen. Cynthia Villar, may akda ng panukala, panahon na para bumuo ng isang departamento na tututok at sa mga pangangailangan ng mga overseas Filipino worker (OFW).
Sa oras na maisabatas, mapapabilang sa departmentong ito ang OWWA at POEA.