Nakararanas ngayon ng monsoon break ang malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, ang monsoon break ay pansamantalang pagtigil ng mga pag-ulan tuwing panahon ng tag-ulan.
Paliwanag ni Aldczar Aurelio, weather specialist ng PAGASA, hindi makapasok ang southwest monsoon o hanging habagat sa dahil sa tinatawag na ridge ng high pressure area.
Sa ngayon aniya ay nakasentro lang sa dulong hilagang Luzon at sa West Philippine Sea ang mga pag-ulan.