Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “freezing” ng ilang mataas na opisyal at mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC) sa gitna ng alegasyon ng korapsyon sa ahensya.
Tumanggi naman si Presidential Spokesman Salvador Panelo na agad pangalanan ang naturang mga opisyal at empleyado ng BOc.
Ani Panelo, isasapubliko rin ang pagkakakilanlan ng mga ito ngunit hindi pa aniya ngayon.
Ang naturang mga opisyal at empleyado umano ay mahaharap sa kasong administratibo at kriminal.
Binigyang diin din ni Panelo na ang naturang aksyon ng pangulo ay pagpapatunay lamang na “zero tolerance” o hindi kukunsintihin ang sinumang kawani ng gobyerno na madadawit sa mga anomalya.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay inihayag ng pangulo na may sisibakin siyang mga Customs officials na sangkot umano sa iregularidad.