Ibinasura ng gobyerno ng Pilipinas ang resolusyon na magbibigay daan sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) para magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa tunay na sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa.
Sa ginawang speech sa UNHRC’s 41st regular session sa Geneva, Switzerland, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na hindi susundin ng bansa ang naturang resolusyon.
Kinuwestyon din ni Locsin ang validity ng resolusyon dahil tila aniya nang iinsulto lamang ang naturang konseho.
Iginiit pa ng kalihim na nasa gobyerno ng bansa ang kapangyarihan para protektahan ang karapatang pantao ng mga mamamayan nito.
Kasabay nito, nagbabala si Locsin sa aniya maaaring maging “consequence” o kalalabasan ng hakbang ng UNHRC.
Gayunman pinanindigan ni Locsin na bagamat malakas umano ang tukso na kumalas ang Pilipinas sa isyu, patuloy pa rin na isusulong at iiral ang karapatang pantao sa bansa.
Duterte handang humarap sa UNHRC
Handang harapin ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling ipilit ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang pagiimbestiga sa sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa.
Ayon sa pangulo, tiyak na mapapahiya lang ang UNHRC kapag itinuloy nila ang imbestigasyon dahil kapag aniya nakita nila ang kaso ni Senator Leila De Lima ay siguradong mapapaisip ang mga ito.
Maglalabas aniya sa ng ilang scandal video ni De Lima at dito nila makukuwestiyon ang moralidad ng senadora.
Hinamon pa ng pangulo ang UNHRC na magtanong sa media para maipakita ang mga video clips na magpapatunay na walang pang-aabuso sa karapatang pantao maging ang sinasabing extra judicial killings sa bansa.