Pumalo sa P61.3-billion ang naitalang dividend collections ng government owned and controlled corportations o GOCCs ngayong taon.
Mas malaki ito kumpara sa P51.24-billion na isinumite ng 56 na GOCCs noong 2018.
Walo sa mga GOCCs ang nakapag-ambag ng tig-P1-billion cash dividend.
Kabilang rito ang PAGCOR na may pinakamalaking dibidendo na P16.70-billion na sinundan ng Philippine Deposit Insurance Corporation na may remittance na P4.583-billion.
Pinangunahan naman ng mga opisyal ng Department of Finance ang pagre-remit ng nabanggit na halaga kaya Pangulong Rodrigo Duterte.