Isang low pressure area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA.
Ang nasabing LPA, ayon sa PAGASA, ay pinakahuling namataan sa layong mahigit 2,000-kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Sinabi ng PAGASA na Linggo o Lunes inaasahang papasok sa bansa ang LPA na malaki ang posibilidad na maging bagyo.
Ang trough o extension ng nasabing LPA ay magpapaulan sa buong Mindanao at Eastern Visayas.
Dahil ditto, ibinabala ng PAGASA ang malalakas na pag-ulan na magdudulot ng pagbaha at landslides.
Apektado naman ng southwest monsoon o habagat ang extreme Northern Luzon.
Iiral naman ang localized thunderstorms sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.