Bumaba ng 11% ang krimen at higit 12,000 barangay ang idineklarang drug free.
Ipinabatid ito ng DILG dahil sa aktibong ugnayan ng national at local governments, mga mamamayan at stakeholders.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sa tulong at suporta ng local based institutions, matagumpay na nai-akma ng law enforcement agencies ang kanilang mga operasyon kontra krimen kaya’t bumaba ang bilang ng krimen sa mahigit 400,000 noong June 2017 hanggang June 2018 mula sa halos 440,000 sa parehas na panahon noong 2018 hanggang 2019.
Sa kampanya kontra iligal na droga, ipinagmalaki ni Año na nasa 12, 099 na mga brangay na ang idineklarang drug free dahil sa suporta at pagbabantay ng mga mamamayan.
Mayroon na ring 172 bilangguan ang drug free kumpara sa 74 lamang noong 2018 dahil naman sa pinaigting na hakbang ng BJMP na linisin ang mga piitan sa iligal na droga.
Habang aabot sa 1.3-million drug surrenderers ang nabigyan ng pagkakataong makapagbagong buhay ng gobyerno.