Matagumpay na nailikas at napauwi sa bansa ang 5 Overseas Filipino Workers (OFW’s) mula sa Lebanon.
Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Beirut, ito ay dahil sa pakikipagtulungan ng International Organization for Migration o IOM at ng Lebanese General Security and Immigration.
Sinabi ni Philippine Ambassador to Lebanon Leah Basinang-Ruiz na ang IOM ang nagbayad ng pamasahe sa eroplano ng mga Pinoy na maituturing na distressed at nanuluyan sa migrant workers and Overseas Filipinos Resource Center ng embahada.
Patuloy rin aniya ang gagawing paglilikas sa mga nahihirapang OFW’s doon sa tulong na rin ng Philippine Labor Office at ng OWWA.
Una nang napauwi sa bansa ang 25 Pinoy na mula naman sa Syria.
By Jelbert Perdez | Allan Francisco