Nasa 4th na puwesto ang Pilipinas sa mga lugar na sinasabing pinaka-delikado o peligroso para sa mga sibilyan sa buong mundo.
Batay iyan sa inilabas na datos ng Armed Conflict Location and Event Data Project, isang data monitoring group na nakabase sa Estados Unidos.
Nakasaad sa naturang datos na sa unang buwan pa lamang ng taong 2019, aabot na sa 75 porsyento o halos 500 sibilyan na ang napatay sa Pilipinas.
Itinuturong sanhi ng grupo ang pinaigting na kampaniya kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte sa nakalipas na 3 taon.
Maliban sa mga napapatay na drug suspek, sinabi sa ulat na may ilang opisyal ng gobyerno rin na tinatarget umanong patayin partikular na sa gitna at katimugang Luzon na siyang may pinakamataas na insidente ng patayan.
Nanguna sa listahan ang bansang india na sinundan ng mga bansang Syria, Yemen at Nigeria.