Naibalik na ang suplay ng kuryente sa Manhattan, New York sa Amerika matapos makaranas ito ng ilang oras na power interruption.
Libu-libong mga residente at daan-daang negosyo ang naparalisa sa nasabing blackout na tumagal ng limang oras kung saan, apektado rin kahit ang subway system sa lugar.
Sinasabing ang nangyaring blackout ay nataon naman sa anibersaryo ng massive power failure noong 1977 na nagdulot ng malawakang panununog at nakawan doon.
Bagama’t kasalukuyang iniimbestigahan ang naturang insidente, sinasabi ng Con Edison Electric Company na nagsimula umano ang blackout sa isa sa kanilang sub-station.