Nagbabala ang Department of Foreign Affairs na posibleng kumalas na ang Pilipinas bilang miyembro ng UNHRC o United Nations Human Rights Council.
Kasunod ito ng pag pabor ng UNHRC sa resolusyon ng Iceland na imbestigahan ang madugong kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr, dapat sigurong sundan ng bansa ang pagkilos ng Amerika sa pag alis nito bilang miyembro ng UNHRC.
Matatandaang bumitaw ang Amerika sa UNHRC noong 2018 bilang pag protesta sa sinasabing pagkiling sa Israel.
Una nang sinabi ni Locsin na hindi papayagan ng pamahalaan na gawin ang anomang imbestigasyon na may kaugnayan sa naging resolusyon ng Iceland.