Isasagawa ngayong araw ang kauna-unahang technology fair on Automated Election System o AES sa pangunguna ng Department of Information and Communications Technology o DICT at sa pakikipagtulungan ng Commission on Elections o COMELEC sa tanggapan nito sa Diliman, Quezon City.
Layon ng programa na makapag-prisinta ang nasa sampung kumpanya ng kanilang mga automated election machines na maaaring ipamalit sa Voting Counting Machine o VCM ng Smartmatic.
Ayon kay DICT Usec. Eliseo Rio, mayroong 20 minuto ang bawat kumpanya para maiprisinta ang kani-kanilang mga makina at susuriin ng mga piling kinatawan mula sa COMELEC.
Pangungunahan ng bagong talagang si DICT secretary ang pagbubukas ng nasabing programa.