Isinusulong ni Senate President Tito Sotto III ang pagpapataw ng dalawang milyong pisong multa sa sinomang mapapatunayang nagpapakalat ng fake news.
Ito ay kasunod ng paglabas ng survey ng Social Weather Station kung saan 67 porsyento ng mga pilipinong gumagamit ng internet ang naniniwalang patuloy ang pagkalat ng fake news.
Sa ilalim ng Senate Bill. No. 9 o “an act prohibiting the publication and proliferation of false content on the Philippine internet”, ang mahuhuling lumalabag dito ay pagmumultahin ng 2 million pesos kasama na ang pagkakakulong nito.