Nagdeklara na ng national dengue alert ang Department of Health dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, umaabot na sa mahigit 106,000 ang naitala nilang kaso ng dengue.
88 porsyento itong mas mataas kumpara sa naitalang mga kaso sa parehong panahon noong 2018.
Dahil dito, muling umapela si Duque sa mamamayan na laging gawin ang 4-s kontra dengue.
Una rito ang Search and Destroy o hanapin at sirain ang pinamamahayan ng mga lamok., Secure Self Protection o pagsusuot ng pantalon at damit na may mahabang manggas at paggamit ng mosquito repellent, Seek early consultation at Support fogging, Spraying only in hotspots.