Asahan na ang pagbalimbing ng mga pulitiko.
Ito’y ayon kay Senator Serge Osmeña dahil sa nalalapit na paghahain ng certificate of candidacy o COC.
Sinabi ni Osmeña na tiyak na ang paglipat o pag-oober da bakod ng mga pulitiko sa isang partido na sa tingin nila ay malakas ang kandidato sa pagka-Pangulo.
Aniya, mas marami pang mangyayaring lipatan kapag naihirit na ng mga mambabatas ang pondo para sa mga proyekto sa ilalim ng 2016 national budget.
Matatandaan na maraming pulitiko ang dumalo sa ginawang pagdeklara ni Sen. Grace Poe ng kanyang kandidatura sa susunod na taon.
Ngayong araw, sinasabing halos nasa 200 na mga pulitiko mula sa Liberal Party at iba pang partido ang lumipat na sa NPC o Nationalist People’s Coalition.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)