Umaasa ang National Capital Region Police Office o NCRPO na magiging mapayapa ang mga isasagawang kilos protesta sa araw ng State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay NCRPO Chief Major Gen. Guillermo Eleazar, inaasahan nila ang pagdagsa ng 15,000 ralyista sa nasabing araw.
Kaugnay nito, sinabi ni Eleazar na nakipag dayalogo na ang kanilang kampo sa mga ilang militanteng grupo.
Batay aniya sa kanilang naging paguusap, magmamartsa sa Commonwealth Avenue sa Quezon City at magkakaroon ng programa malapit sa St. Peters Church ang mga kontra Duterte administration habang ang mga Pro Duterte naman ay sa IBP Road.