Muling iisnabin ni dating pangulong Noynoy Aquino ang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-apat na pagkakataon.
Ayon kay Aquino, kanya na lamang susundan at panonoorin sa telebisyon ang talumpati ni Pangulong Duterte sa SONA nito katulad aniya ng kanya nang nakagawian.
Bilang tradisyon, iniimbita sa taunang SONA ang mga naging dating pangulo ng bansa gayundin ang mataas na opisyal ng pamahalaan.
Samantala, sinabi naman ni Commission on Human Rights Chairperson Chito Gascon na wala pa silang natatanggap na imbitasyon para sa SONA ng pangulo.
Tiniyak ni Gascon na dadalo siya sa SONA sakaling imbitahin dahil kanyang inaantabayanan ang lalamanin ng talumpati ng pangulo.