Walumpu’t siyam (89) na ang patay dahil sa dengue sa regions 6 (Western Viyasas) at region 8 (Eastern Visayas) mula January 1 hanggang July 12.
Ayon sa NDRRMC, halos 16,000 dengue cases ang naitala sa mga nasabing rehiyon sa parehong panahon.
Sa region 6, ang lalawigan ng Iloilo ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng dengue na nasa mahigit 5,000 at 20 ang nasawi.
Sinundan ito ng Negros Occidental na may mahigit 3,000 kaso at 23 patay at Capiz na may halos 2,600 kaso at 15 ang patay.
Samantala, ang Aklan ay nakapagtala ng mahigit 2,000 kaso ng denge at 15 ang nasawi; Antique – mahigit 600 kaso at lima (5) ang patay; Gumairas – halos 500 kaso at dalawa (2) ang nasawi; Iloilo City – mahigit 700 kaso at lima (5) ang patay at Bacolod City – halos 600 kaso at apat (4) ang nasawi.
22 kaso ng dengue ay naitala mula sa iba pang kaso ng region 6.
Sa region 8 naman, ang Sta. Fe sa Leyte ay nakapagtala ng 57 dengue cases.
Una nang idineklara ni Health secretary Francisco Duque III ang national dengue alert dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.