Sarcasm lamang ang naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin ang mutual defense treaty ng Pilipinas at Amerika kahit walang pag-atake para lang matigil ang Chinese militarization sa West Philippine Sea.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ay dahil naiinis na ang pangulo sa mga kritiko nitong ginagawa siyang pain ng mga kalaban para ipahamak ang Pilipinas.
Subalit seryoso naman aniya ang pangulo sa pag-aaya sa kaniyang kritiko tulad nina dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at Senior Associate Justice Antonio Carpio na dalhin at sumakay sa 7th fleet ng Amerika at sama samang makipag-giyera sa China.
Sinabi ni Panelo na hindi naman umimik ang tatlo sa naging paanyaya ng Pangulong Duterte.
Kung nasabi man ng pangulo na gagamitin niya ang mutual defense treaty, ito, ayon kay Panelo, ay dahil nais lamang niyang ipamukha sa mga kritiko na maganda ang trato sa imahinasyon nila subalit hindi batay sa katotohanan.