Sinimulan na ng ministry of interior and local govertnment ng Bangsamoro government ang pagbalangkas ng kodigo ng lokal na pamahalaan ng Bangsamoro.
Ayon kay Alhaj Murad Ebrahim, punong ministro ng BARMM, ang Bangsamoro local government code ay isa sa mga mahahalagang code na ipapasa ng Bangsamoro Transition Authority dahil dito ay malinaw na tutukuyin ang ugnayan sa pagitan ng LGU at ng gobyerno ng Bangsamoro.
Kinilala ni Murad ang kahalagahan ng mga LGU na aniya’y tunay na mukha ng pamamahala kung saan madaling makapag-relay ng kanilang concerns.
Nagbigay na aniya siya ng memorandum na nag -aatas sa mga ahensya ng BARMM na ihanay ang kanilang mga plano, proyekto at programa sa 12-point agenda ng gobyerno ng Bangsamoro.