Magiging “National Museum of the Philippines” na ang dating “National Museum.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapalit sa pangalan ng nasabing museo.
Layon ng Republic Act 11333 o National Museum of the Philippines Act na palakasin ang tungkulin nito bilang pangunahing taga-ingat ng Filipino heritage.
Mas magiging malaki na rin ang ambag ng museum sa pagpapahalaga at pagtataguyod ng kultura ng Pilipinas.
Isa na ring national goverment agency ang National Museum of the Philippines.
Dahil dito, exempted na ito sa pagbabayad ng buwis, fees at iba pang singilin na ipinapataw ng gobyerno.