Ipupursige ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpapatupad ng mall voting sa halalan sa susunod na taon.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, papalo mula dalawa hanggang limang milyong botante ang makikinabang sa naturang programa.
Sa pamamagitan nito, ayon kay Bautista, ay magiging komportable ang mga botante dahil kakaibang voting experience ito para sa kanila.
Gayunman, nilinaw ni Baustista na dadaan pa ito sa masusing konsultasyon at pagpapasyahan pa ng Comelec En Banc.
By Jelbert Perdez