Napanatili ng bagyong Falcon ang lakas nito habang kumikilos pa-hilaga, hilagang kanluran.
Tagal ng bagyong Falcon ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometers/hour malapit sa gitna at pagbugso ng hangin na aabot sa 80 kilometers/hour.
Gayunman, tinanggal na ng PAGASa ang mga warning signal sa Abra, Kalinga, Isabela, Mountain Province at Ifugao subalit nananatiling nakataas sa Apayao, Cagayan, Ilocos Norte at Babuyan Group of Islands.
Signal no 2 naman ang nakataas sa Batanes.
Samantala, inaaahan pa rin ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Isabela, La Union, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Northern Palawan, Calamian at Cuyo Islands, Aklan at Antique.