Blangko ang pamahalaang panlalawigan ng Cavite kung ano ang patakaran ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla, kakausapin pa nya ang PAGCOR upang alamin ang patakaran sa pagkuha ng mga manggagawa para sa POGO complex sa Cavite.
Tugon ito ni Remulla sa reklamo ng mga Cavite na nawalan sila ng oportunidad na makapagtrabaho sa POGO complex dahil pawang mga Chinese nationals ang kinukuha dito.
Gayunman, tiniyak ni Remulla na susuriin nilang mabuti kung legal at tama ang work permits ng may 20,000 manggagawang Chinese nationals na inaasahang papasok sa POGO complex sa Cavite.
Ang 20-ektaryang POGO hub sa Cavite ay ang dating Island Cove na pag-aari ng pamilya Remulla na binili ng Chinese businessman na si Kim Wong.