Inaasahan ngayong buwan ang pagpapalabas ng bagong suggested retail price (SRP) para sa lahat ng imported at lokal na bigas sa merkado.
Ayon kay Agricultural Secretary Manny Piñol, ang pagbabatayan sa pagkwenta ng SRP ay ang magiging landed cost ng imported na bigas at market price ng lokal na palay.
Dagdag pa ng kalihim, dumarami na ang imported na bigas sa mga pamilihan bunsod ng umiiral na rice tariffication o iyong malayang pag-aangkat ng bigas ngunit aniya hindi pa rin bumababa ang presyuhan nito.
Pangangasiwaan ng National Economic and Development Authority, Department of Agriculture, Department of Finance, at Department of Trade and Industry ang paglalabas ng SRP ng lokal at imported na bigas.