Naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng ilang piraso ng P100,000 centennial commemorative note.
Tinagurian itong “biggest legal tender” o pinakamalaking salapi sa bansa dahil sa sukat nitong 22cm by 33cm.
Inilabas ang naturang salapi bilang paggunita sa “1998 Philippine Centennial Year.”
Samantala, nakatakdang maglabas ang BSP ng P20-coin sa katapusan ng taon o sa unang buwan ng 2020.
Ito ay matapos lumabas sa isang pag-aaral ng University of the Philippines na ang P20-bill ang pinaka-maruming banknote sa bansa dahil ito ang pinakaginagamit na perang papel sa Pilipinas.