Nanawagan si Sen. Ralph Recto na dagdagan pa ang social welfare attaches (SWAs) sa bansa.
Ayon kay Recto, sa kasalukuyan ay mayroon lamang isa (1) sa kada 623,561 overseas filipino worker (OFW) ang nakatalagang SWAs.
Sa kabuuan aniya ay may pitong (7) SWAs lamang na nagsisilbi sa 4.3-M overseas filipino workers sa buong mundo.
Giit ni Recto, mas maganda rin kung palalawaking ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang recruitment ng SWAs kung saan maaari ring mag-apply ang mga OFW kung saan sila magtatrabaho basta lamang sila ay makakapasa sa mga requirement at criteria.
Ginawa ng senador ang panawagan matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11299 na nagbubuo sa official of the social welfare attache sa lahat ng mga bansang may maraming bilang ng mga Pinoy contract worker.