Pinabagsak ng U.S. Navy ship ang isang drone ng Iran sa Strait of Hormuz sa pagitan ng Oman at Persian Gulf.
Ito ang inihayag mismo ni U.S. President Donald Trump sa isang event sa White House.
Ayon kay Trump, inilagay sa panganib ng nasabing drone ang seguridad ng barko ng Amerika matapos na hindi ito sumagot sa ilang ulit na babala ng USS Boxer.
Iginiit pa ni Trump, karapatan ng Amerika na ipagtanggol ang kanilang mga tauhan, pasilidad at interes laban sa panibagong pagkilos ng Iran laban sa kanilang barko.
Samantala, pinabulaanan naman ni Iranian foreign minister Mohammad Javad Zarif ang ulat na meron silang nawawalang drone.