Tumaas ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na itinuturing ang kanilang mga sarili bilang mahirap sa ikalawang bahagi ng 2019.
Batay ito sa survey ng SWS o Social Weather Stations kung saan lumabas na 45 percent o katumbas ng tinatayang 11.1 million na pamilya ang nagsabing mahirap sila.
Mataas ito ng 7 percentage points mula sa naitalang pinakamababang bilang na 38 percent o 9.5 million na pamilya noong Marso.
Lumabas din sa kaparehong survey na dumami pa ang mga pilipinong inilarawan ang kanilang pagkain bilang poor o mahirap sa 35 percent o tinatayang 8.5 million na pamilya.
Isinagawa ang survey noong June 22 hanggang 26 sa 1,200 mga adult Filipino sa buong bansa.