Isang magandang balita para sa lahat ng motorista dahil magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sinabi ng source mula sa industriya ng langis na posibleng matapyasan tatlumpu hanggang apat na pung sentimo ang kada litro ng gasoline habang mababawasan naman ng dalawampu hanggang tatlumpong sentimo ang kada litro ng diesel at tatlumpo hanggang apat na pung sentimo sa kada litro ng kerosene.
Epektibo ang bawas-presyo sa darating na araw ng Martes.
Ngunit sa kabila nito, mas mataas pa rin ang nangyaring pagtaas ng presyo ng mga oil products dahil sa ilang magkakasunod na linggong nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa.
Simula noong nakalipas na June 18 hanggang July 16, tatlumpiso at labinlimang sentimo ang itinaas sa kada litro ng gasolina, habang dalawampiso at apat napung sentimo naman sa diesel at dalawmpiso at apat na pung sentimo naman sa kada litro ng kerosene.