Napatunayan ni Pambansang Kamao at Fighting Senator Manny “Pacman” Pacquiao na hindi hadlang ang edad upang masungkit muli ang matamis na tagumpay
Ito’y makaraang masungkit ni Pacman ang Korona bilang WBA Super World Welterweight Champion sa 30 anyos niyang kalaban at Undefeated Boxing Champ na si Keith Thurman via split decision sa kanilang laban sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada sa Amerika
Hindi nagpatinag ang 2 boksingero sa kanilang pagpagpapasiklab at pagpapakita ng bangis sa parisukat na lona dahil sa lakas ng mga binitawan nilang mga suntok
Bagama’t nagkakapaan pa ang 2, naka-buena mano na agad si Pacman nang pabagsakin nito si Thurman sa huling 18 segundo ng round , dahilan upang ma-domina ni Pacquiao ang laban hanggang sa round 5
Subalit hindi na naka-tiis at inilabas na ni Thurman ang kaniyang bangis sa round 6, 7, 9 at 10.. Bagay na hindi sumapat nang muling umarangkada ang bangis ni Pacman sa round 8 na nagtuluy-tuloy na hanggang sa round 12
Gayunman, kahit idineklarang panalo ang pambansang kamao.. Hindi matanggap ng ilan ang naging desisyon ng mga hurado dahil ibinigay nitong puntos pabor kay Thurman
Dahil dito, naitala ng 40 taong gulang na si Pacquiao sa kaniyang kartada ang 67 panalo, 7 talo at 2 draw