Nananatiling laganap ang korapsyon sa bansa.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address na pinatunayan aniya ng mga natuklasang ghost claims ng isang dialysis center sa Philhealth sa nakalipas na mga buwan.
Ayon kay Pangulong Duterte, agad niya nang ipinag-utos sa NBI o National Bureau of Investigation ang pag-iimbestiga at pag-aresto sa mga nasa likod ng nabanggit na ghost dialysis scam.
Ito rin aniya ang dahilan ng pagtatalaga niya kay Retired General Ricardo Morales bilang bagong pinuno ng Philhealth.
“Huge amount of medical funds were released to cover padded medical claims, unimaginary treatment of costs statements. I’am grossly disappointed. The government is conned of millions of pesos which could be used to treat illnesses and possibly save the lives of many.”
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Pangulong Duterte ang patuloy na pagpapatupad ng reporma para matanggal ang lahat ng mga tiwaling opisyal sa pamahalaan.
“Concerning the unscrupulous persons manning or scalawags in uniforms, we have an unyielding in our reforms to weed them out on public service. I have fired or caused the resignation of more than a hundred officials and appointees of the government without regards to relationship, friendship and alliance.” — Bahagi ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte