Isang batalyong sundalo na ang ipinakalat ng central command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para tugisin ang mga rebeldeng nasa likod ng pagpatay sa apat na pulis sa Negros Oriental.
Ayon kay L/Gen. Noel Clement, commander ng central command, katuwang sila ng PNP sa pagtugis sa mga New People’s Army (NPA) na walang habas na pumatay sa mga alagad ng batas.
Malinaw aniya ang mensahe ng mga rebelde na plano nilang takutin ang mga residente at ipakita sa mga ito na sila ang mas makapangyarihan na dapat nilang katakutan.
Batay sa natanggap nilang impormasyon, kasalukuyang nagpapalamig ang mga rebelde sa Negros Occidental nang tumakas ang mga ito matapos ang ginawa nilang krimen.