Isusulong ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang muling pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.
Ayon kay Esperon, kanyang irerekomenda ang panibagong isang taong Martial Law Extension dahil sa nagpapatuloy na banta ng terorismo sa rehiyon.
Iginiit ng kalihim, kinakailangang palakasin pa ang paglalagay ng mga Technical Equipment para masugpo ang mga teroristang nananatili sa ilang lalawigan sa Mindanao.
Gayunman, sinabi ni Esperon na bukas siya sa pagtatanggal na ng Martial Law sa ilang mga lugar sa Mindanao na may maayos nang sitwasyong panseguridad tulad ng Davao City
Magugunitang 3 beses nang pinalawig ang ideklarang Batas Militar sa Mindanao simula nang maganap ang Marawi Siege noong Mayo ng 2017.