Malaki ang posibilidad na sertipikahan bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas para sa panunumbalik ng Death Penalty o parusahang kamatayan sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga at plunder.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos na himukin mismo ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA o State Of The Nation Address ang mga mambabatas na ipasa ang panukalang Death Penalty.
Ayon kay Panelo, naniniwala ang Pangulo na malaki ang maitutulong ng Death Penalty para tuluyan nang matigil ang paglaganap ng mga iligal na droga gayundin ang kurapsyon sa bansa.
Dagdag ng kalihim, mas pipiliin din aniya ni Pangulong Duterte ang Death Penalty By Hanging o pagbibigti.