Mas paiigtingin na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatupad ng ordinansa laban sa mga road obstruction.
Ito ay alinsunod sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address kung saan kaniyang ipinanawagan na ibalik ang mga kalsada sa mga motorista.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, posible nang maharap sa kasong administratibo ang mga lokal na opisyal na mapapatunayang kinukunsinte ang road obstruction sa kanilang nasasakupang lugar.
Igiit anila na ito ay utos ng pangulo at mandato ng ahensya para siyang mas manaig sa mga local government units.
Isasama na rin nila umano ang imbestigasyon sa ilang opisyal dahil sa umano’y pagiging promotor sa hindi matapos-tapos na clearing operations sa mga obstruction sa kanilang lugar.